Ang mga Paglalakbay ni Marco Polo

by Marco Polo

Blurb

Ang The Travels of Marco Polo ay ang karaniwang pamagat sa Ingles ng aklat sa pagbibiyahe ni Marco Polo na binansagang Il Milione o Le Livre des Merveilles. Isa itong libro mula sa ika-13 siglo na isinulat ni Rustichello da Pisa halaw sa mga kuwento at tala ni Marco Polo. Ito ay naglalarawan ng mga paglalayag ni Marco Polo sa Silangan, kabilang ang Asya, Persiya, Tsina, at Indonesya, sa pagitan ng mga taong 1271 at 1298, at kilala rin bilang Oriente Poliano at Paglalarawan ng Daigdig. [1]
Naging isa itong tanyag at popular na libro, kahit pa man noong ika-14 na siglo. Sinasaad ng libro, di umano, ang naging kahalagahan ni Marco Polo sa kaharian ng pinuno ng Mongol na si Kublai Khan. Subalit, napagtatalunan pa rin ng mga kasalukuyang iskolar ang katotohanan sa likod ng talang ito. At ang iba nga ay nag-aalinlangan sa kung si Marco Polo ay totoong nakapaglayag sa kaharian o maaaring nag-uulit lamang ng mga kuwentong kanyang narinig mula sa ibang manlalakbay.

First Published

1300

Member Reviews Write your own review

Be the first person to review

Log in to comment